Retiradong sundalo, patay sa pamamaril sa Pagadian City

By Justinne Punsalang November 20, 2018 - 03:32 AM

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang retiradong sundalo ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Banale, Pagadian City.

Kinilala ang nasawing bagong retirong miyembro ng Philippine Army na si Mario Fernando Piga, 55 taong gulang.

Ayon sa hepe ng Pagadian City Police na si Superintendent Alvin Saguban, naghuhugas lamang ng plato sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Mula sa likod ni Piga ay pinaulanan ito ng bala gamit ang kalibre .45 mga baril.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek.

Isinugod pa ng kanyang mga anak at kapitbahay si Piga sa Hofeliña Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, partikular ang motibo sa likod ng pamamaslang.

TAGS: Pagadian City, sundalo, Pagadian City, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.