Produktong petrolyo, may rollback sa ikaanim na sunod na linggo

Muling bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa ikaanim na sunod na linggo.

Mamayang alas sais umaga ay may rollback ang mga kumpanya ng langis ng Petron, Flying V, Caltex at Shell.

Pawang may bawas P1.25 sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.10 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

May tapyas din na P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Habang pareho din ang rollback sa Total at PTT sa presyo ng kanilang gasolina at diesel.

Una nang nagpatupad ng bawas presyo ang iba pang mga kumpanya ng langis nitong araw ng Linggo at Lunes.

Ang pagbaba sa presyo ng oil products ay dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng pandaigdigang krudo sa merkado.

Read more...