Sen. Drilon, hiniling kay Duterte na iparating kay Xi ang delay sa pangakong pautang at investment ng China

By Len Montaño November 20, 2018 - 12:45 AM

Hiniling ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na iparating nito kay Chines Pres. Xi Jinping sa pagdating nito sa bansa ang delay sa paglalabas ng pangakong pautang at investment ng Beijing.

Umaasa si Dirlon na hindi isang kaso ng pangakong napako ang loan agreements na pinirmahan ng Pilipinas sa gobyerno ng China.

Ayon sa senador, dapat magdemand ang bansa na tuparin ng China ang mga pangako nito.

Binanggit ni Drilon na karamihan sa mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure projects ay nakadepende sa pautang ng China na anya nababalam na sa ngayon.

Halos dalawang taon na aniya nang malagdaan ang iba’t ibang loan agreements pero hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung kailan maibibigay ang mga pangakong pautang at investment.

Nais din ng Senador na talakayin ng Pangulo kay Xi ang isyu ng West Philippine Sea kabilang ang reklamo ng mga mangingisdang Pilipino na hinaharass ng Chinese Coast Guard.

TAGS: Franklin Drilon, Rodrigo Duterte, Xi Jinping, Franklin Drilon, Rodrigo Duterte, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.