Bagyong Samuel, inaasahang tatama sa kalupaan ng Eastern Visayas-Caraga bukas
Napanatili ng bagyong Samuel ang lakas nito habang nagpapatuloy sa paggalaw sa direksyong kanluran-hilagangkanluran.
Sa 11PM severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometro, silangan-hilagangsilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay ng nabanggit na sama ng panahon na nasa tropical depression category ang hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 65 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa weather bureau, mayroong posibilidad na tumama sa kalupaan ng Eastern Visayas-Caraga region ang bagyo bukas ng gabi.
May tsansa rin na itaas na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Romblon at Cuyo Island sa susunod na abiso bukas ng alas-2 ng madaling araw.
Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON:
– Masbate kabilang ang Ticao Island
VISAYAS:
– Aklan
– Antique
– Biliran
– Bohol
– Capiz
– Cebu
– Eastern Samar
– Iloilo at Guimaras
– Leyte
– Negros Occidental
– Negros Oriental
– Northern Samar
– Samar
– Siquijor
– Southern Leyte
MINDANAO:
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Camiguin
– Dinagat Islands
– Misamis Oriental
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
Babala ng PAGASA, mapanganib ang maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar kung saan nakataas ng signal number 1.
Dala ng bagyong Samuel ang mahina hanggang sa malakas na ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa mga rehiyon ng Caraga, Norther Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at mga lalawigan ng Negros Occidental, Davao Oriental, at Compostela Valley.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.