2 hinihinlalang Islamic State-Inspired Group member, napatay sa shootout sa Sultan Kudarat

By Len Montaño November 19, 2018 - 11:47 PM

Napatay ng pulisya ang dalawang hinihinalang mga miyembro ng Islamic State-Inspired Group sa shootout sa checkpoint sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Chief Supt, Eliseo Tam Rasco, Police Regional Director for Region 12, sakay ang mga suspects ng gray multi-cap na umiwas sa checkpoint sa Isulan-Tacurong Highway.

Nakita ng mga pulis na pumunta ang sasakyan sa Kapingkong Road.

Nagpaputok anoya ang dalawang lalaki sa sasakyan sa mga pulis ng Regional Mobile force battalion na nagbabantay sa checkpoint sa Barrio Dos.

Dahil dito ay sinundan ng mga pulis ang sasakyan na na-corner sa Pakingkong Road.

Nagpaputok umano ang mga suspects kaya gumanti ng putok ang pulisya.

Bago ang shootout ay may impormasyon ukol sa pag-transport ng improvised bomb sa pagitan ng Isulan at Tacurong City. /

TAGS: checkpoint, Islamic State, shootout, sultan kudarat, TAcurong City, checkpoint, Islamic State, shootout, sultan kudarat, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.