Paghahambing ng pangulo sa grupong Magdalo sa Islamic State, binatikos ni Rep. Alejano

By Erwin Aguilon November 19, 2018 - 11:41 PM

Pumalag si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa ginawang paghahalintulad sa sa kanilang grupo sa teroristang Islamic state.

Ayon kay Alejano, ang pahayag na ito ng pangulo ay kawalang pagrespeto sa mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para sa bansa matapos makipaglaban sa mga kalaban ng estado.

Dapat aniyang tandaan ng publiko na ang ipinrotesta nila noon ay ang talamak umanong katiwalian sa ilalim ng administrasyong Arroyo na ngayo’y muling binuhay ni Pangulong Duterte at inilagay sa mataas na puwesto.

Ang masaklap pa ay nakita nila ang korapsyon sa matataas na opisyal ng militar at pamahalaan habang hirap na hirap sa battlegrounds ang mga sundalo kaya ito ang dahilan ng pag-usbong ng Manila Peninsula Siege at Oakwood Mutiny.

Dagdag pa ng kongresista, wala silang intensyong manakit sa sinuman at makipagbarilan sa mga awtoridad.

Gayunman, hindi na aniya siya magtataka kung hindi maiintindihan ni Duterte ang kanilang prinsipyo na tinawag niyang transactional president dahil sa pagbebenta ng teritoryo sa China.

TAGS: gary alejano, magdalo, Rodrigo Duterte, gary alejano, magdalo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.