Pagtakbo ni Speaker GMA bilang senador sa 2019 fake news ayon sa isang lider ng Kamara

By Erwin Aguilon November 19, 2018 - 08:18 PM

Tinawag na fake news ni House Deputy Speaker Prospero Pichay ang mga balita na pagtakbo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Pichay, hindi totoo ang balita na papalitan ng Lakas ang kanilang kandidato sa pagkasenador upang humalili ito.

Nauna rito, inihayag mismo ni Speaker GMA na magreretiro na siya sa pulitika matapos ang kanyang termino bilang kongresista ng Pampanga.

Sa rules ng Comelec, Mayroon pang hanggang November 29 ang mga political party upang magkaroon ng substitution sa kanilang mga kandidato.

Ang partidong Lakas ay mayroon lamang dalawang kandidato sa pagka senador sa 2019 midterm elections.

TAGS: Gloria Macapagal-Arroyo, Prospero Pichay, Gloria Macapagal-Arroyo, Prospero Pichay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.