Hirit na itaas ang election spending limit, tatalakayin sa Senado

Isasalang na sa deliberasyon sa Senado ang panukala na itaas ang halaga na maaring gastusin ng mga kandidato sa tuwing may eleksyon sa bansa.

Muling inihain ni Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms at naaprubahan na ito para sa floor deliberations.

Sinabi ni Pimentel sa kanyang Senate Bill No. 2072 bagamat nais niyang madagdagan ang budget ng mga kandidato sa eleksyon pero dapat ay maituturing na konserbatibo pa rin ang halaga.

Ito ay aniya ay para maiwasan ang overspending at walang lamangan sa hanay ng mga kandidato sa isyu ng campaign budget.

Sa kanyang committee report, ang mga independent senatorial, party list at iba pang kandidato ay payagang gumasta ng P8 mula sa umiiral ngayon na P6 sa bawat botante.

Ang mga kandidato naman na tatakbo sa ilalim ng isang partido ay maaring gumasta ng P6 sa bawat botante, samantalang ang mga partido ay maaring gumasta na ng P8 mula sa dating P5 sa mga lugar na mayroon silang mga lokal na kandidato.

Mananatili naman sa P10 kada botante ang budget limit ng mga presidential at vice presidential candidates.

Read more...