Halos P40M halaga ng shabu nasabat sa Cebu City

By Jimmy Tamayo November 19, 2018 - 12:14 PM

CDN Photo

Aabot sa halos P40 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Cebu City Police (CCPO) sa bahay ng isang drug courier sa Barangay Tisa, Cebu City.

Naaresto sa operasyon ang itinuturong taga-deliver ng droga na si Jeffrey Jade Cabaron, 26 anyos.

Ayon kay Chief Inspector Regino Maramag, pinuno ng Pardo Police Precinct 7, halos isang buwan nilang sinubaybayan ang kilos ni Cabaron.

Natunton ang operasyon nito kasunod ng pagkaka-aresto sa ilang mga drug suspect at itinuturong pinagmumulan ng droga ay si Cabaron.

Dakong ala-1:00 linggo ng madaling araw ng lusubin ang apartment na tinutuluyan ng suspek sa San Jose Extension, Sitio Caimito, Barangay Tisa kung saan nakumpiska ang nasa 3.3 kilograms ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P39 milyon.

Nabatid pa na naghahatid si Cabaron ng droga sa ibat-ibang lugar sa Cebu City maging sa kalapit na lugar.

Tatangkain naman ng pulisya na paaminin ang suspek para ituro kung sino ang kanyang “boss” at kung saan hinahango ang ipinagbabawal na gamot.

TAGS: Cebu City, shabu, War on drugs, Cebu City, shabu, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.