Sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2018 - 11:44 AM

Sugatan ang isang sundalo sa pagsabog ng improvised bomb sa national highway ng Datu Hoffer, Maguindanao.

Ayon kay Major Arvin John Encinas ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, pinaniniwalaang mga miyembro ng Islamic State ang nagtanim ng bomba at pinasabog ito gamit ang cellphone bilang triggering device.

Sinabi ni Encinas na unang sumabog ang isang IED sa Barangay Labu-Labu 2 alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Nov. 19.

Nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng 57th Infantry Battalion para magsagawa ng imbestigasyon.

Gayunman, isa pang IED ang muling sumabog na ikinasugat ng isang sundalo.

Dinala na sa Maguindanao Integrated Provincial Hospital ang nasugatang sundalo.

TAGS: Datu Hoffer, maguindanao, Radyo Inquirer, Datu Hoffer, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.