Bagyong Samuel napanatili ang lakas; mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2018 - 11:29 AM

Huling namataan ang bagyo sa layong 605 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:

VISAYAS:
Southern Leyte
Leyte
southern portion of Samar
southern portion of Eastern Samar
Bohol

MINDANAO:
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Dinagat Islands
Misamis Oriental
Camiguin

Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm bago ito mag-landfall.

Sa susunod na weather bulletin ng PAGASA, magtataas pa ito ng public storm warning signal number 1 sa iba pang lugar sa Visayas.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, Samuel, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, Samuel, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.