PNP binalaan ng ilang senador sa pagbuhay sa “Alsa Masa”
Nagbabala ang dalawang senador na posibleng magdulot ng problema sa peace and order at pagkakaroon ng pang-aabuso ang planong buhayin ang “Alsa Masa-like” network.
Ito ay matapos ang mga ulat na balak ng Philippine National Police (PNP) na palawigin ang Community Mobilization Project (CMP) at gawing Alsa Masa-like network para makatulong sa pagsugpo ng krimen.
Pero ayon kay Senator Panfilo Lacson, maituturing na “very dangerous” ang planong ito ng PNP.
Ani Lacson, kung ang gagamitin ng PNP ay ang dati na ring sistema, maaring maulit lang ang mga dating pagkakamali.
Samantala, sinabi naman Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbuhay sa Alsa Masa ay maaring maging ugat ng matinding pag-abuso.
Noong 1980s aniya, naging notoryus ang “Alsa Masa” sa paglabag sa mga karapatang pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.