MSMEs idiniga ni Pang. Duterte sa APEC summit

By Chona Yu November 19, 2018 - 08:54 AM

Malacañang Photo

Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Papua New Guinea para isulong ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nais kasi ng pangulo na magkaroon ng inclusive globalization sa MSMEs.

Sinabi pa ni Lopez na hindi maikakaila na passionate ang pangulo na matulungan ang maliliit na negosyante sa bansa.

Ayon kay Lopez, sumentro ang pagpupulong ang digitalization sa MSMEs.

Naniniwala aniya ang pangulo na mai-empower ang mga maliliit na negosyante kapag nabigyan lamang ng tamang training, human resource development, at iba pa

Wala namang schedule ngayon si Pangulong Duterte wala ring press briefing si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

 

TAGS: apec summit, PNG, Rodrigo Duterte, apec summit, PNG, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.