LOOK: Jake Cuenca at Will Devaughn sumailalim sa drug test

PDEA Photo

Nagpasaillaim sa voluntary drug test ang mga aktor na sina Jake Cuenca at Will Devaughn.

Isinagawa ang drug test sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noong Linggo, Nov. 18.

Sa larawan na ibinahagi ng PDEA, makikita ang dalawang aktor na nasa tanggapan nga ahensya para sumailalim sa drug test.

Ang dalawa ay lead actors para sa pelikulang “KontrAdiksyon” na tumatalakay sa kampanya laban sa ilegal na droga.

PDEA photo

Ang pelikula ay sa direksyon ni Njel De Mesa na siya ring sumulat ng pelikulang “Respeto” na itinanghal na Best Film sa Cinemalaya noong 2017.

Read more...