WATCH: Truck Holiday sa Maynila, umarangkada na

By Ricky Brozas November 19, 2018 - 08:22 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Umarangkada na ang truck holiday sa Maynila.

Mahabang pila ng mga truck ang sumama sa concoy na ang iba ay may mga kargang trailer.

Ang pagkilos ay pinangunahan ng Alliance of Philippine Brokers and Truckers Association.

Layon ng pagkilos na kondenahin ang napakatagal na anilang pagkakahimpil ng mga truck nila sa pantalan sa Maynila.

Ayon sa grupo, nagkakaroon ng delay sa paglalabas ng mga kargamento na galing sa ibang bansa na nagdudulot ng port congestion.

Tinututulan din ng grupo ang phase out sa 15-year old na mga truck na ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO).

Iikot ang caravan sa Road 10 sa Tondo Maynila patungo ng Manila Hotel.

TAGS: caravan, Convoy, manila, Road 10, Tondo, truck holiday, caravan, Convoy, manila, Road 10, Tondo, truck holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.