1 patay, 4 sugatan sa isa na namang insidente ng pamamaril sa Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2018 - 07:56 AM

Isa ang nasawi habang sugatan ang maraming iba pa sa insidente ng pamamaril sa Los Angeles sa Amerika.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Los Angeles Police Department, isang suspek ang namaril sa Watts, Los Angeles, California.

Nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga biktima at apat na iba pa ang nasugatan.

Nang matanggap ng mga otoridad ang ulat na may nangyaring pamamaril ay agad silang nagtungo sa lugar at natadnan ang mga sugatang indibidwal sa loob ng isang bahay.

Nabaril naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at ngayon ay ginagamot sa ospital.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril, pero ayon sa nagpakilalang ina ng suspek, bago ang insidente ay tumawag ito sa kaniya at sinabing may gusto siyang patayin.

TAGS: Los Angeles, shooting, Watts, Los Angeles, shooting, Watts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.