Umabot na sa 71 ang nasawi at higit 1,000 ang nawawala sa itinuturing na pinakamalalang wildfire sa kasaysayan ng California.
Ayon sa mga konsulada ng Pilipinas sa San Francisco at Los Angeles, wala pang naiuulat na nadamay na Filipino sa naturang wildfire.
Iginiit naman ng mga ito na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Campfire at Woolsey na parehong tinutupok ngayon ng apoy.
Ayon kay Consul General to San Francisco Henry Bensurto Jr.,mayroon nang isang Filipino na nawalan ng tirahan sa Butte County sa Northern California dahil sa wildfire.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan nina Bensurto at Consul General to Los Angeles Adel Angelito Cruz sa local authorities at Filipino Community upang malaman kung may mga Filipino na kasama sa mga nasawi o nawawala.
Mayroong 2,500 na Filipino sa Butte County sa San Francisco habang 25,879 naman sa Ventura County sa Los Angeles.
Hinimok ng consulate officials ang mga Filipino na tumawag sa +1 415-748-9888 sa San Francisco o +1 (213) 268-9990 kung mayroong impormasyon nag mga ito tungkol sa mga kapwa Filipino na nawawala o kung may mangangailangan ng tulong ng konsulada.