Ex-convict, nanlaban sa buy bust sa Davao City patay!

By Rhommel Balasbas November 19, 2018 - 03:03 AM
INQUIRER File Photo

Patay ang isang ex-convict na halos isang taon pa lang

nakalalaya makaraang manlaban sa buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Lapu-Lapu, Davao City.

Aarestuhin lamang sana ang suspek na kinilalang si Jerandi Ariego nang bumunot ito ng baril at nagtangkang paputukan ang mga pulis.

Gayunman, hindi pumutok ang kanyang baril pero naunahan na ito ng putok ng mga pulis.

Napag-alamang dati nang nakulong ang suspek dahil sa pagnanakaw at kaso rin ng iligal na droga at nakalaya lang noong Disyembre 2017.

Isinugod pa sa Southern Philippines Medical Center si Ariego ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Nakuha sa suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang kalibre .22 na baril na ginamit umano nito laban sa pulisya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.