Locsin, kinumbinsi si Pang. Duterte na tapusin ang APEC Summit
Mismong si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang nagkumbinsi kay Pangulong Rodrigo Duterte na manatili pa ng isang araw at tapusin ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.
Sa Twitter post ni Locsin, sinabi nito na nagpumilit siya sa pangulo na manatili pa ng isang araw.
Ayon kay Locsin, pinayuhan din niya ang pangulo na manatili pa ng isang gabi sa Singapore at magpahinga muna pagkatapos ng Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit subalit sinuway ng pangulo.
Sa halip, agad na nagtungo ang pangulo sa Papua New Guinea para dumalos sa APEC Summit.
Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi na tatapusin ng pangulo ang APEC summit at uuwi na ng Davao.
Pero ayon kay Philippine ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano, nagpasya ang pangulo na tapusin na lamang ang summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.