Lalaki, pinugutan ng kainuman sa Davao City

By Ricky Brozas November 18, 2018 - 05:36 PM

Patay makaraang pugutan ng ulo ng kaniyang kainuman ang isang lalaki sa Davao City.

Natutulog lamang umano ang biktima na kinilalang si Ernesto Dalay nang pugutan ng suspek na una nitong nakaalitan.

Mismong ang asawa ng biktima ang nakakita sa duguan at wala nang buhay na si Dalay.

Ayon sa mga awtoridad, kainuman ng biktima ang suspek na si Renante Andig kasama ang isa pang lalaki bago mangyari ang krimen.

Nagkasagutan umano sina Dalay at Andig. Nang makatulog si Dalay, doon na siya tinaga ng suspek.

Kaagad namang nahuli ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya sa Davao City.

Nabatid na hindi ito ang unang beses na nakapatay ang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.