Batay sa ulat, lulan ang 56 na distressed OFWs ng Philippine Airlines flight PR 683.
Dumating ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 9:45 ng umaga.
Sinalubong ang mga OFW ng mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Tinulungan ang mga OFW sa pagproseso ng kanilang mga dokumento para muling makasama ang kani-kanilang pamilya.
Maliban dito, sinabi ng OWWA na napagkalooban din ng tulong-pinansiyal ang mga OFW.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 1,470 na OFW ang apektado ng lock-out sa Azmeel Contracting Corporation.
Matatandaang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasahang mapapauwi ang mga OFW bago ang Kapaskuhan.