56 na distressed OFWs mula Saudi Arabia, balik-Pilipinas na

By Angellic Jordan November 18, 2018 - 03:05 PM

Balik-Pilipinas na ang panibagong batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia, Linggo ng umaga.

Batay sa ulat, lulan ang 56 na distressed OFWs ng Philippine Airlines flight PR 683.

Dumating ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 9:45 ng umaga.

Sinalubong ang mga OFW ng mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Tinulungan ang mga OFW sa pagproseso ng kanilang mga dokumento para muling makasama ang kani-kanilang pamilya.

Maliban dito, sinabi ng OWWA na napagkalooban din ng tulong-pinansiyal ang mga OFW.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 1,470 na OFW ang apektado ng lock-out sa Azmeel Contracting Corporation.

Matatandaang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasahang mapapauwi ang mga OFW bago ang Kapaskuhan.

TAGS: Azmeel Contracting Corporation, DOLE, NAIA, ofw, OWWA, saudi arabia, Azmeel Contracting Corporation, DOLE, NAIA, ofw, OWWA, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.