NDRRMC, nagsimula nang maghanda sa Bagyong Samuel
Nagsimula na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paghahanda sa pagtama ng Tropical Depression Samuel.
Sa isang panayam, sinabi ni NDRRMC spokesman Edgar Posadas nagkaroon na sila ng Pre-Disaster Risk Assessment meeting para sa talakayin ang pag-responde sa mga maaapektuhang residente.
Kasama aniya sa naturang pulong ang PAGASA at Department of Interior and Local Government (DILG).
Kabilang din sa pulong ang ilang regional team office para ilatag ang kanilang preparasyon sa bagyo.
Naglabas na aniya ng memo sa 1,368 barangay mula sa iba’t ibang rehiyon na posibleng tamaan ng bagyo.
Sinabi pa ni Posadas na hindi naman inaasahan na kasing lakas ng Bagyong Samuel tulad ng Bagyong Ompong.
Gayunman, hindi aniya dapat magpakampante. Mas mabuti aniyang maging handa para sa kaligtasan ng lahat.
Inaasahan naman ang pag-landfall ng bagyo sa araw ng Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.