LOOK: Mga raliyista, nagsagawa ng “exorcism ritual” sa ika-2 taon ng Marcos hero’s burial sa LNMB

By Isa Avendaño-Umali November 18, 2018 - 01:23 PM

 

Photo credit: Dexter Cabalza, PDI

Sumugod ang mga miyembro ng Block Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, bilang protesta sa ikalawang taon ng anila’y patagong pagkakahimlay doon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bigong makapasok ang mga raliyista sa loob ng LNMB, kaya naman sa labas na lamang sila nagsagawa ng binansagan nilang “exorcismo ng bayan.”

Sinira nila ang mga replika ng puntod at marker ni Marcos.

Bagama’t dalawang taon nang nakalibing sa LNMB, iginiit ng Block Marcos na mahukay ang mga labi ng dating presidente. 

Hindi anila nababagay si Marcos sa LNMB, dahil ang mga tunay lamang ng mga bayani ang dapat na nakahimlay sa naturang semeteryo.

Kailanman din anila ay hindi sila mag-momove on.

Kasabay nito, iginiit ng grupo ang pag-aresto at pagkulong kay dating First Lady Imelda Marcos, na nahatulan ng guilty ng Sandiganbayan.

 

 

 

TAGS: dating Pangulong Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani, dating Pangulong Ferdinand Marcos, libingan ng mga bayani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.