Pulong ng ilang opisyal ng NDFP at Palasyo, maaaring mangyari sa susunod na linggo – Dureza

Maaaring  sa susunod na linggo mangyari ang pulong sa pagitan ng ilang lider ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP at ilang opisyal ng Malakanyang.

Ito ang inanunsyo ni Peace Adviser Jesus Dureza ngayong araw (November 18).

Sa isang statement, sinabi ni Dureza na ang pulong kasama sina NDFP leaders Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni ay posibleng isagawa anumang araw sa susunod na linggo.

Ayon kay Dureza, siya at si Presidential Spokesman Salvador Panelo ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa nabanggit na communist leaders sa isang informal chat.

Pero dahil pangungunahan niya ang Philippine delegation sa United Nations General Assembly sa New York, sinabi ni Dureza na ang meeting sa NDFP leaders ay mangyayari sa oras na siya’y makabalik na sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Matatandaan na mismong sina Agcaoili at Jalandoni ang humiling na makapulong si Pangulong Duterte, kaugnay sa resumption ng usapang pangkapayapaan.

 

 

Read more...