Tropical depression “Samuel”, nakapasok na sa PAR – PAGASA
Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang tropical depression Samuel.
Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Samuel ay pumasok sa PAR dakong alas-diyes ng umaga.
Bunsod nito, posibleng makaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaari namang magdulot ng flash floods at landslides sa Caraga Region, Davao Orientel at Compostella Valley.
Huling namataan ang sentro nito sa 980 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Mayroon itong lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at may pagbugso na aabot sa 65 kilometers per hour. Kumikilos ito 15 kilometers per hour patungong west southwest.
Sa kabila nito, wala pang tropical cyclone warning signal na inilalabas.
Inaasahan namang maglalandfall ang Bagyong Samuel sa Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.