Kotse, nahulog mula sa parking lot ng isang shopping center sa San Juan

By Isa Avendaño-Umali November 18, 2018 - 10:51 AM

Photo credit: Russel Andos

Isang sports utility vehicle o SUV ang nahulog mula sa ikatlong palapag ng isang shopping mall sa Greenhills, San Juan City kaninang umaga.

Ang sasakyan ay isang itim na Toyota Innova na may plakang AHA-8024, na matindi ang naging sira dahil sa pagkahulog.

Ayon kay San Juan Chief of Police Senior Supt. Dindo Reyes, ang sugatang driver ng SUV ay father-in-law ni Senador Grace Poe, na si Teodoro Paraiso Llamanzares, 83-anyos at taga-Greenhills.

 

Ang biktima ay nasa Cardinal Santos Medical Center at patuloy na inoobserbahan.

Nasira naman ang railings o harang na bakal ng parking area, kung saan nagmula ang SUV.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente, pero sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis ay nag-accelerate ang SUV hanggang sa malaglag na ito mula sa 3rd floor ng parking area.

Akala ng mga naroroon noong mga oras na iyon ay may pagsabog dahil sa lakas ng bagsak ng SUV.

TAGS: san Juan, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.