Pacquiao, sasabak na sa training sa US

 

Inquirer file photo

Sa Amerika mag-eensayo si Senador Manny Pacquiao para sa kanyang nakatakdang boxing bout laban kay Adrien Broner sa Enero 2019.

Sa kanyang Instagram story, ipinost ni Pacquiao ang kanyang “championship belt” at may caption na “Coming to New York.”

Kahapon (November 17), umalis ang pambansang kamao kasama ang kanyang misis na si Jinkee patungong U.S.

Bago mag-ensayo, sasabak si Pacquiao sa 2-city promotional tour. 

Ayon naman kay Buboy Fernandez, sa Amerika na magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Pacquiao, lalo’t inaasahang magiging abala ang Filipino boxing champ sa training.

Ang Pacquiao-Broner boxing match para sa World Boxing Association o WBA welterweight title ay gaganapin sa January 19, 2019 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Si Pacquiao ay magdiriwang ng kanyang 40th birthday sa December 17, 2018. Ang makakatunggali naman nito na si Broner ay edad 29-anyos lamang.

 

Read more...