Higit 80 arestado sa climate change protest sa London
Mahigit sa walumpung katao ang inaresto ng British Police sa isang environmental protest sa London.
Ang protestang binansagang “Rebellion Day”, na pinangunahan ng grupong Extinction Rebellion, ay laban sa lumalalang climate change, na bigo raw matugunan ng gobyerno ng United Kingdom.
Giit pa ng grupo, kailangang umaksyon na ang British government sa pag-alis sa greenhouse gas emissions by 2025.
Dahil sa pagkilos ng nasa humigit kumulang anim na libong indibidwal, sarado ang limang London bridges o mga tulay sa Westminster, Lambeth, Waterloo, Blackfriars at Southwark.
Ayon kay London Mayor Sadiq Khan, nirerespeto nila ang karapatan ng mga tao na magprotesta. Gayunman, sana raw sundin ng mga ito ang batas.
Ang ginawang pag-aresto ay dahil umano sa pagiging sagabal sa daanan ng mga napo-protesta.
Sa kabila nito, plano ng mga miyembro ng Extinction Rebellion na ituloy ang kanilang protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.