6 katao arestado sa buy bust ops sa Mandaluyong

By Isa Avendaño-Umali November 18, 2018 - 09:00 AM

 

Arestado ang limang lalaki at isang babae sa isang buy bust operation sa Mandaluyong City.

Nasa P378,000 na halaga ng high-grade marijuana o “kush” ang nasabat sa mula sa mga suspek.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Mandaluyong Police Station 5 sa bahagi ng EDSA corner Shaw Boulevard o sa labas ng isang mall sa siyudad, madaling araw ng Linggo (November 18).

Batay sa mga pulis, nagbebenta ang mga suspek ng marijuana “online” at matagal na anilang tinitiktikan ang mga ito.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

TAGS: Kush, Mandaluyong City, Marijuana, Kush, Mandaluyong City, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.