Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibidad kaugnay ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit sa Papua New Guinea ngayong araw ng Linggo (November 18).
Ito ay makaraang magbago ang kanyang isip at magpasyang huwag na munang umuwi sa Pilipinas kagabi.
Si Presidente Duterte ay dumating sa APEC Haus para dumalo sa APEC Leader’s Dialogue kasama ang International Monetary Fund o IMF.
Bago ang pulong, nakasama ang pangulo sa family photo ng APEC Leaders.
Kagabi, no-show ang Presidente Duterte sa Gala dinner at familiy photo ng mga matataas na lider na miyembro ng APEC.
Inaasahang namang uuwi ang punong ehekutibo mamayang gabi.
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na babalik si Pangulong Duterte sa Davao City kagabi.
Pero sinabi ni Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano na hindi natuloy sa pag-uwi ang presidente dahil gusto na raw nitong makadalo sa APEC meetings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.