LOOK: Sarah G., nag-ala fan sa concert ng kanyang BF na si Matteo G.

 

Nag-ala fan ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa concert ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli kagabi.

Sa mga litrato at videos ng fans ng #AshMatt, makikita na kabilang si Sarah sa mga audience sa concert ni Matteo.

Kasama ng Kapamilya actor si Carlo Aquino sa naturang concert na ginanap sa Music Museum kagabi.

Lalong kinilig ang fans dahil ang suot na jacket ni Matteo, may naka-imprentang “Hey hey hey SG.” 

Mayroon ding photos na lumutang kung saan sweet na sweet ang magkasintahan. Yakap-yakap ni Matteo si Sarah kaya naman ang fans, hindi maitago ang tuwa.

Matagal-tagal nang “in a relationship” sina Sarah at Matteo, pero nananatili silang low profile.

 

 

Read more...