Logo ng 30th SEA Games, pinal na nga ba?

By Isa Avendaño-Umali November 18, 2018 - 07:52 AM

 

Pinal na nga ba talaga?

Yan ang tanong ng marami ukol sa logo ng 30th Southeast Asian Games o SEA Games na gaganapin sa Pilipinas sa 2019.

Sa post ni Jurry Fernando Asuncion sa Facebook, makikita ang litrato na “under construction” ang isang momumento. Caption nito, “Wala na! Final na talaga?”

Ang itsura nito ay ang naging kontrobersyal na logo ng SEA games na may labing isang bilog na magkakadikit at nabuo bilang itsura ng Pilipinas.

Pero sa Facebook page ng 30th SEA Games Philippines 2019, makikita na iba ang logo na nakapost.

Sa katunayan, sa post nito na may petsang November 13, 2018, makikita ang isang logo na may imahe ng agila.

Sa caption, binanggit na iyon ay “unofficial logo” at abangan daw ang official logo na ilalabas sa November 30, 2018.

Matatandaang umani  ng batikos mula sa publiko ang logo ng 30th SEA Games, kaya naging malakas ang paghimok na iredesign ito.

TAGS: 30th SEA Games, 30th SEA Games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.