Adamson Pep Squad sa pagiging 3rd place; ‘This isn’t the end for us’

Positibo ang Adamson Pep Squad kahit na hindi napanatili ang trono sa UAAP Cheerdance Competition.

Muling nasungkit ng National University ang kampeonato sa naturang kompetisyon na ikalima nilang titulo sa loob lamang ng anim na taon.

Ayon kay Adamson head coach Jeramy Lorenzo, masaya pa rin sila na napasama sa top three.

Iginiit ni Lorenzo na sa sports ay kailangan talaga ng sportsmanship at pagtanggap sa pagkatalo.

“You must accept defeat and even though we lost we’re still thankful because we’re in the top three,” ani Lorenzo.

Naniniwala anya siya na well-deserved ng NU ang pagkapanalo ngayong taon.

Hindi naman anya sila susuko at hindi ito ang katapusan para sa kanilang grupo.

Read more...