Christian Bautista, ikinasal na kay Kat Ramnani sa Bali

By Rhommel Balasbas November 18, 2018 - 06:37 AM

Nagpalitan na ng ‘I do’ ang singer na si Christian Bautista at ang communications executive na si Kat Ramnani.

Ito ay matapos ikasal ang dalawa kahapon sa Bali, Indonesia.

Isang intimate ceremony ang naganap na dinaluhan ng mga kapamilya at kaibigan ng couple sa isang napakagandang venue kung saan tanaw na tanaw ang lawak ng Indian Ocean.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga showbiz friends ni Bautista na sina Erik Santos at Sam Concepcion.

Maluha-luhang naglakad sa aisle patungong altar si Ramnani.

Suot nito ang gown na nilikha ni Inbal Dror habang si Christian naman ay may suot na green coat na nilikha ni Francis Libiran.

Samantala, ang naganap na kasal kahapon ay isa lamang sa dalawang seremonya na nais isagawa ng mag-asawa.

Nais din nilang magsagawa ng wedding ceremony dito sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.