Pangulong Duterte hindi umuwi ng Davao; dadalo pa rin sa APEC meetings ngayong araw

By Rhommel Balasbas November 18, 2018 - 05:34 AM

Inihayag ni Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano na hindi umalis ng Port Moresby si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Malacañang na uuwi na Sabado ng gabi si Pangulong Duterte dahil sa umano’y ‘urgent domestic developments’.

Ayon kay Tejano, dadalo pa rin ang punong ehekutibo sa mga nakatakdang APEC meetings ngayong araw.

Kinumpirma na rin ni Agriculture Sec. Manny Piñol na hindi umalis ng Papua New Guinea ang presidente.

Kabilang sa mga inaasahang dadaluhan nito ngayong araw ay ang International Monetary Fund Informal Dialogue with Leaders.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.