PNG Prime Minister kay Pangulong Duterte: “Did you have a good sleep?”

AP Photo

“Did you have a good sleep?”

Ito ang tanong ni Papua New Guinea Prime Minister Peter O’ Neill kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating nga mga Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa APEC Haus Holding Room.

Ito ay kasabay ng mainit pang kritisismo sa pangulo dahil sa hindi pagdalo sa ilang events ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Si O’Neill na chairman ng APEC summit ngayong taon ay nagkaroon ng ‘small chat’ kay Pangulong Duterte.

Tinanong ng lider ang presidente ng dalawang beses kung maayos ba itong nakatulog at nakapagpahinga at sumagot naman ng oo si Duterte.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na kinailangan ni Pangulong Duterte na mag-power nap o umidlip dahil sa nakakapagod na schedule.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nakadalo ang punong ehekutibo sa ilang ASEAN events..

Read more...