Rape suspek patay matapos magtangkang tumakas

Nasawi ang isang 37-anyos na tricycle driver na inaakusahang nanggahasa ng tatlong taong gulang na bata matapos itong magtangkang tumakas habang isinasailalim sa booking process sa Cabanatuan police station.

Kinilala ang akusado na si Ariel Viquierra na sinasabing inagaw ang baril ni PO1 Edward Azurin.

Ayon kay Cabanatuan City Police Chief Supt. Ponciano Zafra, nagpaputok ang suspek sa mga pulis kaya’t napilitan silang gumanti.

Iginiit naman ni Zafra na isinugod pa sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang suspek ngunit idineklara ring dead on arrival.

Naaresto si Viquierra noong Huwebes sa bayan ng Sta. Ana sa Pampanga kung saan ito tumakas.

Nakunan ng CCTV camera na nagdala si Viquerra ng bata sa kanyang bahay sa Cabanatuan noong Martes.

Nadiskubre ng magulang ng bata na namolestya ang kanyang anak ng suspek.

Read more...