P150,000 na piyansa ni Imelda, barya lang sa ninakaw – VP Robredo
Maliit lamang ang P150,000 na halaga ng piyansa ni dating unang ginang Imelda Marcos kumpara sa laki ng ninakaw ng pamilya Marcos ayon kay Vice President Leni Robredo.
“Iyong 150,000 pesos na bail, napakaliit considering the enormity noong ninakaw… Pangalawa, barya lang iyon sa kaniya, eh. Barya lang iyong 150,000 [pesos],” ani Robredo.
Pahayag ito ng bise presidente matapos payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si Imelda Marcos.
Iginiit ni Robredo na hindi tulad ng mga Marcos, ilan sa mga mahihirap na kanyang naging kliyente noon ay kinailangan pang magsanla ng ari-arian o kaya ay mangutang para lang makapagpiyansa.
Habang si Imelda Marcos anya na napakayaman ay parang nilibre lamang.
“Abogado din ako sa mga mahihirap. Nakita ko kung paano, for 10,000 pesos na bail, isasangla noong mga kliyente ko iyong mga kaunting ari-arian nila o mangungutang sa iba para lang maka-come up with that. Tapos itong napakayaman [Marcos], parang nilibre mo na lang,” Robredo.
Matatandaang hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Marcos para sa pitong bilang ng kasong graft dahil sa iligal na paglipat ng $200 milyong pera sa Swiss foundations na di umano’y pinakinabangan ng kanyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.