Xi, Pence, nagpatutsadahan sa APEC Summit

By Len Montaño November 18, 2018 - 12:30 AM

Nagpatutsadahan sina Chinese Pres. Xi Jinping at US Vice Pres. Mike Pence sa kani-kanilang mga talumpati sa APEC Summit sa Papua New Guinea.

Ayon kay Pence, tuloy ang polisiya ni Pres. Donald Trump laban sa uri ng kalakalan ng China at kampanya laban sa umanoy intellectual property theft.

Nagdagdag ang US ng taripa sa $250 billion halaga ng mga produkto ng China, bagay na pinalagan ng Beijing.

Dagdag ni Pence, makikilapag-alyansa sila sa plano ng Australia na magkaroon ng baval base sa Papua New Guinea na matagal naman nang tinutulungan ng China.

Bago ang talumpati ni Pence ay inasahan na ni Xi ang batikos ng Amerika.

Sa kanyang speech ay sinabi ni Xi na suportado niya ang malayang kalakalan sa buong mundo na anyay nagbigay-daan sa paglago ng ekonomiya ng China sunod sa Estados Unidos.

TAGS: apec summit, Papua New Guinea, apec summit, Papua New Guinea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.