Ayon kay LTO Law Enforcement Service director Francis Almora, valid ang No. 8 plates hanggang noong 2016 lamang dahil ang last batch na kanilang inilabas ay para sa mga mambabatas noong 16th Congress.
Taong 2013 hanggang 2016 anya ang tenure ng 16th Congress kaya ngayong taon ay tapos na ang termino ng mga kongresista na miyembro ng 16th Congress.
Sinabi ni almora na pagkatapos ng termino ng kongresista ay dapat na ibinalik ang protocol plate sa Secretary General ng Kongreso na siya namang magsosoli sa LTO matapos ang expiration ng validity period.
Hiniling na ni Majority Floor Leader Rep. Rolando Andaya Jr. sa mga dating miyembro ng House of Representatives noong 16th Congress na isoli na ang protocol plates sa gitna ng mga insidente na kinasasangkutan ng No. 8 plate.
Suportado naman ng LTO ang hakbang ng Kamara na pag-recall sa protocol plate No. 8.