Sandiganbayan napalusutan ni Marcos ayon kay Robredo

By Alvin Barcelona November 17, 2018 - 05:10 PM

Radyo Inquirer

Mockery of justice…ganito inilarawan ni Vice President Leni Robredo ang pagpayag ng Sandiganbayan na magpiyansa si dating unang ginang Imelda Marcos.

Sa isang panayam kay Robredo sa San Remigio, Cebu, sinabi nito nakakalungkot ang nangyari at Ipinapakita lamang na hindi pantay ang katarungan sa bansa.

Ipinapahiwatig din aniya nito sa mga Filipino na kapag may pera at mataas ang estado ng akusado ay nakakatakas ito sa kaparusahan kahit na malaki ang ninakaw nito sa sambayanan.

Taliwas niya ito sa mga mahihirap na maliit lamang ang pagkakasala pero nagdurusa sa kulungan.

Napakalaking insulto pa aniya sa taumbayan ang dalo ni Marcos sa party sa mismong araw na inilabas ang hatol dito.

Sinabi rin ng opisyal na nakakatawa ang naging tugon ng dating unang ginang na mayroon siyang sakit kaya hindi dumalo sa promulgation ng kaso pero nakapunta naman siya sa isang party.

TAGS: Imelda Marcos, leni duterte, sandiganbayan, vice president, Imelda Marcos, leni duterte, sandiganbayan, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.