Mislatel tiyak na bilang 3rd telco ng bansa ayon sa DICT

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang balakid sa pagpasok ng Mislatel consortium bilang third telco player sa bansa.

Sinabi ni DICT acting Sec. Eliseo Rio na nagpasya na ang National Telecommunication Commission (NTC) en banc na ibigay sa Mislatel ang confirmation order makaraan silang mabigyan ng provisional authority bilang napiling bagong telco player.

Bilang safety net, sinabi ni Rio na mawawala sa Mislatel ang kanilang P24 Billion bond kapag hindi nila naibigay ang maayos na serbisyo sa telekomunikasyon base sa kanilang napagkasunduang time duration.

Nauna dito ay sinabi ng Mislatel na magbibigay sila ng mabilis na internet connection sa bansa tulad nang mayroon ang Singapore.

Bago buksan ng gobyerno ang pintuan sa bagong telco ay inilatag ng DICT ang ilang kategorya.

Kabilang dito ang murang call, text at internet service, mabilis na internet connection at malinaw na nationwide coverage.

Kabilang sa mga naging karibal ng Mislatel ay ang Philippine Telegraph & Telephone Corp. (PT&T) at ang Sear Corporation na kapartner ng Tier 1 na pag-aari ni Chavit Singson.

Read more...