ICC members tinawag na tanga ni Duterte

By Den Macaranas November 17, 2018 - 03:12 PM

Inquirer file photo

Tinawag na idiot o tanga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasa likod ng The Hague-based na International Criminal Court (ICC).

Sa kanyang pagharap sa Pinoy community sa Papue New Guinea ay muling binigyang-diin ng pangulo na hindi siya titiklop sa banta ng imbestigasyon ng ICC kaugnay sa mga umano’y kaso ng human rights violation sa bansa.

Kahit kailan ay hindi umano kikilalanin ng pangulo ang kapangyarihan ng ICC na manghimasok sa soberenya ng bansa.

Hinamon rin ng pangulo na patunayan ng ICC na hindi totoo ang ulat na marami sa kanilang mga kasapi ay sangkot sa ilang mga kaso tulad ng sexual harassment at pagiging pedophile.

Nagbanta rin ang pangulo na sasampalin nya sinuman sa mga ICC members ang magpumilit na kausapin siya.

Nauna nang sinabi ng ICC na sisimula na nila ang imbestigasyon kaugnay sa mga kaso ng human rights violation na kinasasangkutan ng kasalukuyang administrasyon.

TAGS: human rights violation, ICC, idiot, Malacañang, Papua New Guinea, human rights violation, ICC, idiot, Malacañang, Papua New Guinea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.