Pulis binaril ng kapwa pulis sa NCRPO Headquarters patay

By Jimmy Tamayo November 17, 2018 - 01:55 PM

Patay ang isang pulis matapos barilin ng kapwa nito pulis sa loob mismo ng National Capital Region Police Office headquarters sa Camp Bagong Diwa Taguig city.

Nakilala ang nasawi na si P01 Mark Carlo Pasamba, 29-anyos na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan,

Kinilala naman ang suspek na pulis na si P01 Carlos Alberto Aljama, 31-anyos.

Sa inisyal na ulat,  nagalit ang suspek sa biktima na humantong sa pamamaril.

Love triangle ang isa sa sinasabing dahilan ng away habang patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na issasampa laban sa kanya.

TAGS: NCRPO, PNP, Shooting Incident, NCRPO, PNP, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.