Operasyon ng MRT balik normal na matapos magka-aberya

12212144_10208453341356991_1489819915_n
Kuha ni Erwin Aguilon

(update) Halos dalawang oras na nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit ngayong umaga ng Martes, November 10.

Nagsimula ang problema sa biyahe ng tren bago alas 6:00 ng umaga.

Technical problem ang tanging ibinigay na dahilan ng mga gwardya sa North Avenue Station sa mga sumasakay na pasahero.

Dahil sa problema sa MRT, North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station lamang at pabalik ang biyahe sa loob ng dalawang oras.

Ang mga pasahero na patungo sa bahagi ng Boni hanggang Taft Station ay pinayuhang mag-bus na lamang pagdating sa Shaw.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Jun Abaya na may nakitang broken rail at kailangan itong palitan ng fish plate pansamantala para agad maibalik sa normal ang biyahe. “Yung sa MRT may hairline fracture sa rail, kailangang mabilisang magawan ng fish plate, may mga fish clamp para kaagaran na maidugtong, temporary lang iyan, pagdating sa gabi saka papalitan po iyan. Pasensya po ulit kung kami ang naging dahilan ng inyong pagka-late sa trabaho ngayon,” ayon kay Abaya.

Bago mag alas 8:00 ng umaga ay naibalik na sa normal ang biyahe ng MRT.

Read more...