Duterte sa pag-uugnay sa kanya sa pagpatay kay Mayor Halili: ‘Unfair sila sa akin’

By Rhommel Balasbas November 17, 2018 - 04:05 AM

Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Sa isang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Papua New Guinea, sinabi ng pangulo na unfair ang mga tao sa kanya sa pamimintang ng mga ito sa pagpatay sa alkalde.

Matatandang nasawi noong Hulyo sa pamamaril si Halili na sikat dahil sa pagpaparada nito ng mga kriminal

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring iligal na droga ang dahilan ng pagkamatay ni Halili.

Sa kanyang talumpati sa Papua New Guinea, muli namang iginiit ng pangulo na inosente siya sa sunud-sunod na pagpatay sa mga alkalde.

Ayon sa pangulo, ang kanyang pahayag na ipapapatay ang mga opisyal na sangkot sa droga ay panakot lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.