Sarah G., Vice Ganda, nanguna sa pag-ilaw sa giant Christmas tree sa Araneta Center

Pinangunahan nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at Unkaboggable Superstar Vice Ganda ang pag-iilaw sa higanteng Christmas tree sa Araneta Center.

Tradisyon na ang pag-iilaw sa 100 talampakang Christmas tree na ito mula pa taong 1981.

Daan-daang katao ang tumungo sa Times Square Food Park upang tunghayan ang event at para na rin panoorin ang paborito nilang mga showbiz personalities.

Ilan sa mga artistang nagtanghal ay sina Darren Espanto, Tawag ng Tanghalan Season 2 Grand Champion Janine Berdin, at Hashtags na si McCoy de Leon.

Samantala, kinanta ni Vice ang ‘Beautiful People’ ni Sia.

Nagpasiklab naman si Sarah G. matapos ibirit ang kanyang 2013 hit song na ‘Ikot-ikot at ang kanyang rendition ng ‘All I Want for Christmas is You’ ni Mariah Carey.

Read more...