Mag-asawa patay, anak sugatan sa pagnanakaw sa Isabela

By Rhommel Balasbas November 17, 2018 - 02:58 AM

Patay sa pamamaril ng magnanakaw na riding-in-tandem ang isang mag-asawa habang sugatan ang kanilang 8-taong gulang na anak sa Alicia, Isabela.

Matapos pagbabarilin ay kinuha sa mga ito ang isang bag na naglalaman ng pera na nagkakahalaga ng P115,000.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnold Salvatierra, 47 anyos, at kanyang asawa na si Analyn, 44.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dalawa.

Ang kanila namang anak ay kasalukuyang ginagamot dahil sa tama ng bala sa kaliwang hita nito.

Hindi naman nasaktan ang dalawa pang pasahero ng van na sinakyan ng pamilya.

Pauwi na sana ang mga biktima sa bayan ng San Mateo matapos magdeliver ng mga sisiw sa isang kliyente sa Alicia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.