ALAMIN: Halaga ng rollback ng mga kumpanya ng langis

By Rhommel Balasbas November 17, 2018 - 01:17 AM

Nag-anunsyo na ang isa sa mga oil companies kung magkano ang kanilang ipatutupad na rollback sa presyo ng petrolyo.

Buena mano na magpapatupad ang Phoenix Petroleum Philippines na may bawas na P1.30 sa kada litro ng gasolina habang P1.10 sa kada litro ng diesel.

Epektibo na agad ang rollback ng naturang kumpanya alas-12:00 ng tanghali ngayong araw.

Inaasahang susunod nang mag-anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Ang rollback sa presyo ng oil products ang ika-anim nang sunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, ang oversupply sa production ng langis at inventories na nagpapababa ngayon sa presyo ng langis sa world market.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.